Hindi pa rin papayagan ang dining at personal care services dahil kabilang ang mga ito sa “high risk activities”, sa mga lugar na isasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ), ayon sa Department of Health (DOH).

Ibinaba na sa MECQang Metro Manila at ang mga probinsya ng Bataan at Laguna. Ipatutupad ang nasabing quarantine restrictions simula Sabado, Agosto 21-31.

“Under this quarantine classification, high-risk activities such as dine-in services, whether indoor or al fresco, and personal care services are still not allowed. Religious gatherings will also remain online during the MECQ,” pahayag ng DOH nitong Biyernes, Agosto 20.

Nilinaw ng DOH, hindi nangangahulugang hindi na maghihigpitang awtoridad kasunod ng pagbaba ng quarantine classification.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“However, the DOH emphasizes that this does not mean lifting restrictions but rather, focusing on targeted restrictions and monitoring granular lockdowns and specific high-risk activities,” sabi ng DOH.

Sa pagtaya ng DOH, maaaring umabot sa 64,403 ang active cases sa Metro Manila sa katapusan ng Agosto at papalo hanggang 269,694 sa pagtatapos ng Setyembre.

“Meanwhile, intensifying our efforts in these strategies while under MECQ may result in 83,921 active cases by Aug. 31 and 158,489 active cases in NCR by Sept. 30,”pagbbigay-diinni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Muling hinikayat ng DOH ang publiko na sundin ang health protocols at manatili sa bahay maliban kung may mga essential na lakad.

Analou De Vera