Kinumpirma ni Bea Alonzo na in a relationship na sila ng aktor na si Dominic Roque, matapos ang matagal-tagal na espekulasyon sa kanilang real score.

Sa television interview sa bagong Kapuso nitong Agosto 9, tinimbang-timbang muna aniya ang mga pagkakataon bago niya ibunyag ang relasyon nila.

"It wasn’t as if like masyado ko siyang plano or masyado ako nag-hold back. Or masyado akong nag-act upon what I was feeling. It just came out naturally,” aniya. “It’s not like I was trying to hide it. I think I was trying to be careful kasi given my past experience. S’yempre gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official.”

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Dominic Roque, Bea Alonzo sighted together anew – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Netizens sooo 'kilig' as Dominic Roque shares video with Bea Alonzo – Manila  Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

"We only live once and happiness is best when shared. I want to share my happiness,” dagdag pa ni Bea.

“Minsan nagkakamali, bumabangon ka and then you learn from your mistakes and then you move on,” she said. “Kung magkamali ka man ulit at least you tried.”

Kahit wala pa naman silang aminin noon pa, kitang-kita na ang sweetness nila sa isa't isa, batay sa kani-kanilang mga social media account.

Kababalik pa lamang ng dalawa mula sa month-long vacation sa US. Sasabak na si Bea sa guesting sa iba't ibang Kapuso program.