Masayang ibinahagi sa Instagram ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang katuparan ng pagpapagawa niya ng dream house ng kanyang loving Mamana si Min Bernardo. Aniya, “Slowly getting there. I can't believe it’s finally happening!”

Sa picture naroon ang kanyang pamangkin at ang kanyang ina. Kita sa picture ang ginagawang pundasyon ng pinagagawa niyang bahay. Pinusuan at kinongratulate naman ng mga kapwa celebrities at ng mga followers ni Kathryn ang naturang post. Masaya sila para sa aktres.

Matatandaan last 2019 nabalitang nakabili si Kathryn ng lupa ngunit kailangan pa raw niyang pagtrabahuin ang itatayong bahay. 

Pero heto’t unti unting nang pinapagawa ng aktres ang pinapangarap na bahay. Talagang mapapa sana all ka na lang. Ika nga ni Kathryn noon, “kung may gusto raw siyang ibigay sa Mama niya na dream house, yung dream house na raw ng kanyang ina.” Naks, isa kang lodi at napakabuting anak. Kaya maraming blessings. 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Aminado noon ang aktres na matinding kayod at pag-iipon ang gagawin niya para matupad ang lahat ng ito.

Sa sobrang tuwa hindi rin naman nagpahuli ang ina ni Kathryn na i-share rin sa kanyang Instagram ang picture nila ni Kathryn na nakabackground ang kaganapan habang ginagawa ang dream house niya. Sey niya, “Yes anak, it is finally happening. Like ng lagi nating sinasabi: sa buhay we need to do baby steps as when you add up these little steps we take toward our goal.”

Tiyak super excited na rin sa ang mga fans sa kalalabasan ng bahay nila Kathryn. Sa laki ng lote tiyak malamang bongga ang magiging hitsura nito.