Nagpatupad na ang ilang kumpanya ng langis ng dagdag-presyo sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG) nitong Agosto 1.
Sa anunsyo ng Petron, nagtaas ito ng ₱3.35 sa presyo ng kada kilogram bukod pa ang dagdag na value added tax (VAT) ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng ₱36.85 na taas-presyo sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG.
Tinaasan din ng Petron ang presyo ng kanilang Auto LPG sa ₱1.87 kada litro katumbas ng ₱20.57 sa regular na tangke.
Hindi naman nagpahuli ang Phoenix LPG Phils. Inc na nagpatupad ng dagdag na ₱3.35 sa bawat kilo ng tangke.
Dakong 6:00 ng umaga, nagtaas din ang Solane ng ₱3.27 per kilogram plus VAT o ₱35.97 na dagdag presyo sa regular na tangke.
Ito ay bunsod nang paggalaw ng contract price ng LPG sa pandaigdigang merkado para sa Agosto.Bella Gamotea