Kinumpirma ng isang opisyal ng Philippine General Hospital (PGH) na 21 sa 72 lokal na kaso ng Delta COVID-19 variant sa bansa ang sinuri sa kanilang pagamutan at anim sa mga ito ang na-confine.

Nilinaw ni PGH sSokespersonJonas Del Rosario, sa anim na-admit sa PGH, dalawa ang namatay at apat ang nakarekober.

Sinabi ni Del Rosario na ang dalawang namatay ay hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 habang isa lamang naman sa mga recoveries ang bakunado na at nakitaan lamang ng mild symptoms.

Kinumpirma rin naman niya na nagkakaroon ng pagtaas ng bilang ng mga admission ng mga pasyente ng COVID-19 sa PGH simula pa nitong unang linggo ng Hulyo.

National

Asawa ni Harry Roque, pinaaaresto na rin ng Kamara

Sa ngayon aniya, nakapagtala na ang PGH ng 170 na kaso ng COVID-19.“For now po, we really assume that all COVID patients na papasok sa aming ospital aypotential na Delta variant,” paliwanag ni Del Rosario.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni PGH infection control chief Dr. Regina Berba sa publiko na wala silang naitalang outbreak ng sakit sa kanilang mga personnel, sa kabila nang pagkakaroon ng Delta variant cases.

“Despite the high number of Delta exposures in PGH, we’ve really had no COVID outbreaks so far,” ani Berba.

Kinumpirma rin niya na naka-high alert ngayon ang PGH mula pa noong Hulyo 26 at magtatagal ito hanggang sa Agosto 31.

Sa datos ng Department of Health (DOH), mayroon nang 119 kumpirmadong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Mary Ann Santiago