Pinuri ng dating Senador JV Ejercito si Pangulong Duterte nitong Martes, Hulyo 27, matapos banggitin ng Pangulo ang tungkol sa Universal Healthcare Law (UHC law) sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) kahapon, Hulyo 26.
“Thank you Mr. President for mentioning the Universal Health Care Law in your last State of the Nation Address!,”ayon kay Ejercito sa kanyang Facebook post nitong Martes.
“Neither President Duterte nor his critics have the power to decide his legacy. This would be judged by our people and history. But I think it is the Universal Health Care law—aside from infrastructure and peace and order— that will truly benefit our people,” dagdag pa niya.
Si Ejercito ang principal author ng UHC law na naglalayong gawing awtomatikong miyembro ng Philhealth ang mga Pilipino at masakop ng National Health Insurance Program ng gobyerno.
“Ibig sabihin, hindi na mangangamba ang ating mga kababayan tuwing sila’y magkakasakit o sa mga pagkakataon na madapuan ng karamdaman ang kanilang mga mahal sa buhay. Karamay na ang gobyerno sa gastusin at abot-kaya na ang pagpapagamot,” aniya matapos ito maisabatas noong 2019.
Pahayag ni Ejercito na ang susunod na pangulo at mga mambabatas ay matugunan ang mga problemang nananatili sa bansa.
“For one, we need to make sure that the UHC is implemented correctly in order to strengthen our health care system to prepare for the next pandemic,”aniya.
Kabilang sa tampok ng UHC Law ay ang pagpapalawak ng populasyon, serbisyo, at financial coverage sa pamamagitan ng health system amendments, at nakaplanong paglilipat ng pangunahing pangangalaga na siyang pangunahing sentro ng lahat ng mga reporma sa ilalim ng UHC.
Sa UHC, ang mga Pilipino ay garantisadong magkakaroon ng pantay na pag-access sa kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan at protektado laban sa problemang pinansyal