Napasakamay na ng mga awtoridad ang isang umano'y big-time drug supplier at kasabwat na babae sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City, nitong Lunes ng madaling araw.
Kinilala ang mga suspek na sina Darren Decena, 38,may kinakasama, at taga-1852 Cuyigking Street, Barangay 4 Zone 2, Pasay City; at Bernadeth Barrientos, 24, dalaga, at taga-Ampaya Compound, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.
Sa pagsisiyasat ni SMS Arturo Dela Cruz, Jr., may hawak ng kaso, hindi na umano nakapalag ng dalawan nan dakpin ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office-Regional Drug Enforcement Unit (NCRPO-RDEU), Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at Pasay City Police, sa panulukan ngRoxas Boulevard at EDSA, dakong 3:00 ng madaling araw.
Nasabat sa mga suspek ang 50 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P240,000; P2,000 buy-bust money at isang silver Toyota Wigo na may plakang IAB 9931.
Sa report, si Decena ay direkta umanong konektado sa mga inmate ng National Bilibid Prison na nagpapakalat ng iligal na droga.
Sasampahan ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.Bella Gamotea