After mag-viral ang kanyang photo kasama si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, muling naispatan si Kapuso sexy actress Sanya Lopez kasama ang isa pang beauty queen.

This time, sumabak sa isang photoshoot si Sanya kasama si Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo.

Mismong si Sanya ang nagbahagi ng kanilang larawan ni Sam na kuha ni Andrea Beldua sa kanyang Instagram account.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Samantha at Sanya

“A photo with her @samanthabernardo__ , I also felt like a Queen! (heart and crown emojis),” caption ni Sanya sa kanyang post.

https://www.instagram.com/p/CRtTI5enGlT/

Marami naman ang agad na na-excite sa kanilang photo, na nagsabing dapat na sumali ng beauty pageant ang aktres, particular sa Miss Universe Philippines.

May ilan namang pumuna sa pagkakahawig nila ni Rabiya.

Noong 2018, nag-alok pa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na i-train si Sanya, sakaling magdesisyon itong sumabak sa pageant.

“Whenever you’re ready… Happy to help you.”

https://www.instagram.com/p/BpQ4R4Jn_5F

Maging si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina, na nakasama ni Sanya sa serye ay nagsabing may qualities ang aktres ng isang beauty queen.

Bukas naman sa ideya ng pagsali sa beauty pageant si Sanya, pero sa ngayon prayoridad, aniya, muna niya ang kanyang showbiz career.