May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Jasmine Curtis sa tamang timing ng pagkuda: 'Pag naapektuhan ang mga walang ginagawang masama!

Jasmine Curtis sa tamang timing ng pagkuda: 'Pag naapektuhan ang mga walang ginagawang masama!
Photo Courtesy: Jasmine Curtis (FB)

Naurirat ang aktres na si Jasmine Curtis tungkol sa tamang oras ng pagsasalita at pananahimik sa mga bagay-bagay. 

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Jasmine na nararapat lang umanong magsalita kapag may mga taong walang ginagawang masama pero naaapektuhan na.

Aniya, “[K]apag alam nating naaapektuhan na talaga 'yong mga taong walang ginagawa na masama, number one, or 'yong mga taong hindi dapat naman pagsalitaan or pagsabihan ng gano'n dahil para saan pa?”

“If we can improve paano tayo mag-usap about mga problema at issues, better. Kasi may mga paraan lang na kailangan lang nating ibalik sa disiplina, kailangan lang nating i-realign ulit,” dugtong pa ni Jasmine.

Sinang-ayunan naman ni Boy ang pananaw na ito ng aktres. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Tama,” sabi ni Boy. “But that takes a lot of maturity and a lot of thinking to be able to do that.”

Dagdag pa ng host, “Okay naman tayo magkaroon ng intellectual collision. You believe in something, I believe in another thing. But we can actually cohabit this world with respect.”

Matatandaang naging matunog ang pangalan ni Jasmine noong Marso matapos siyang kumuda sa pambabastos ni 4th District Quezon City Rep. Bong Suntay sa kapatid niyang si Anne Curtis.

Maki-Balita: Jasmine Curtis sa pahayag Rep. Suntay: 'It's not about one female celebrity. It's about all women!'