Nilinaw ng Office of the Civil Defense (OCD) na walang naiulatna nasawi sa magnitude 6.6 na pagyanig sa Calatagan, Batangas nitong Sabado ng madaling araw.
Pinagbatayan ni OCD Spokesperson Mark Timbal ang natanggap naulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils (RDRRMC) ng Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (Calabarzon) o Region 4A at Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan (Mimaropa) o Region 4B.
“No casualties reported from both RDRRMC Calabarzon and Mimaropa,” pahayag pa nito.
Dakong 4:49 ng madaling araw nang yanigin ng magnitude6.6 na lindol ang Calatagan, Batangas nitong Sabado.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang epicenter ng lindol na naitala dakong 4:49 ng madaling araw ay nasa layong 23 kilometro ng Timog Kanluran ng Calatagan.
Naunang naiulat ng Phivolcs na aabot sa magnitude 6.7 ang lindol, gayunman, binago ito at ginawang magnitude 6.6 batay na rin sa kanilang Richter scale.
Naramdaman naman ang Intensity V sa Calapan City at Puerto Galera, Oriental Mindoro; Sablayan at Magsaysay, Occidental Mindoro; at Tagaytay City, Carmona, at Dasmarinas City, Cavite.
Naitala rin ang “moderately strong” na Intensity IV sa Quezon City; Marikina City; Manila City; Makati City; Taguig City; Valenzuela City; Pasay City; Batangas City at Talisay City, Batangas; at San Mateo, Rizal.
Naapektuhan din ng lindol ang Pasig City at San Jose del Monte City, Bulacan nang naramdaman ang Intensity III
Bukod dito, niyanig din ng Intensity V ang Calapan City at Puerto Galera, Oriental Mindoro; Intensity IV sa Batangas City, Batangas; Carmona, Cavite; at Calumpit at Plaridel, Bulacan; Intensity III sa Quezon City; Marikina City; Pasig City; Las Piñas City; Muntinlupa City; Malabon City; Navotas City; at San Ildefonso, Pandi, Malolos, San Rafael, at Marilao, Bulacan; Intensity II sa San Juan City; Dagupan City; at Polillo, Quezon; at Intensity I sa Guinayangan, Quezon; Magalang, Pampanga; Iriga at Sipocot, Camarines Sur; Daet, Camarines Norte; Palayan City, Nueva Ecija; Iloilo City; Kalibo, Aklan; San Jose City, Antique; at Bago City, Negros Occidental.
Dakong 4:57 ng madaling araw nang makapagtala rin ang Phivolcs ng 14 aftershocks kung saan ang pinakamalakas ay umabot sa magnitude5.5. Angepicenter nito ay nasa 15 kilometro Timog Kanluran ng Calatagan.
Ellalyn de Vera-Ruiz at Martin Sadongdong