Ibabawal muna ang magpalipad ng anumang sasakyang-panghimpapawid sa bahagi ng Batasang Pambansa Complex mula Hulyo 25-27.

Ito ang desisyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address sa Lunes, Hulyo 26. 

Nilinaw ng CAAP, naglabas na sila ng notice to airman (NOTAM) para sa nasabing special event.

National

Bicam meeting para sa 2026 nat'l budget, target tapusin ngayong Miyerkules, Dis. 17—Sen. Win

Ayon as CAAP, mula Hulyo 25, dakong 6:00 ng umaga hanggang Hulyo 27, dakong 6:00 ng umaga, ipaiiral ang no fly zone sa nasasakupan ng 5 nautical miles radius mula sa ibabaw hanggang 10,000 feet above mean sea level (AMSL) ng Batasang Pambansa sa Quezon City.

Ariel Fernandez