Mabisa umano ang mga bakunang ginagamit ng gobyerno laban sa Delta variant.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng balitang may local transmission na ng Delta variant sa bansa.

May mga pag-aaral aniya na nagpapatunay na walang namatay sa Delta variant pagkatapos makatanggap ng dalawang doses ng bakuna.

"Ang kailangan lang ay siguraduhing kumpleto ang doses ng bakuna upang makamit ang tinatawag na full protection," sabi nito.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Inihalimbawa pa ni Roque ang pagsasaliksik na ginawa ng Public Health England na ang dalawang doses ng AstraZeneca ay 92% na epektibo para hindima-ospitalnang dahil sa coronavirus.

Kaugnay nito, inihayag ni Roque na hindi pa natatalakay sa Task Force ang posibilidad na muling pagpapatupad ng NCR Plus bubble.

Puspusang pagbabantay aniya ang ginagawa ng mga kinauukulan sa numero o bilang nahahawaan ng virus sa National Capital Region Plus bago pa magpasya sa susunod na hakbang.

BethCamia