Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo ng kanilang produktong petrolyo sa Martes, Hulyo 20.
Sa anunsyo ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ang dagdag na 30 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene, at 10 sentimos naman sa presyo ng gasolina nito.
Magtataas din ng presyo ng kanilang produkto ang Seaoil, Caltex, Total Philippines, Cleanfuel at Petro Gazz.
Ang hakbang na ito ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Sa pahayag naman ng Department of Energy (DOE), umabot na sa kabuuang P13.50 ang itinaas sa presyo ng gasolina; P10.60 sa diesel at P9 naman sa kerosene sa serye ng kanilang price adjustment.
Bella Gamotea