Naitala sa liblib na lugar ng Jipapad, Eastern Samar ang kauna-unahang COVID-19 infection noong Huwebes, Hulyo 15.
Ayon sa text message ni municipal health officer Rona Mariblanca, ang pasyente ay nakakuha ng virus sa labas ng kanilang bayan.
Aniya, ang unang kaso ng COVID-19 ay isang 31-anyos na babae at inaalagaan nito ang asawang na-ospital sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) sa Tacloban City.
Patuloy pa rin iniimbestigahan kung paano nakuna ng babae ang impeksyon dahil ang asawa nito ay unang na-ospital sa Eastern Samar bago ilipat sa EVRMC.
“The first Covid-19 patient is still admitted at the EVRMC. We are now conducting contact tracing to identify the possible close contacts of the patient in our town,”dagdag ni Mariblanca.
Bagaman konektado na sa national road, kinokonsidera pa rin ang bayan na isa sa mga liblib na lugar sa rehiyon, na madalas matamaan ng pagbaha.
PNA