Mabisa pa rin ang bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kabila ng paglaganap ng Delta variant sa iba't ibang bansa.

Ito ang tiniyak ni Food and Drug Administration (FDA) Director General EricDomingo, kaya sinabi niya na tuloy lang ang bakunahan lalo pa't may naibibigay pa itong proteksyon laban sa mga mas nakahahawang variant.

Nilinaw ni Domingo, kahit mas nakahahawa ang mga bagong variant ay hindi naman mataas ang tsansa nito na magdulot ng severe cases o malalang sakit na pwedeng magresulta sa kamatayan.

Wala pa aniyang bakunang nakalaan para sa Delta variant at kung hihintayin pa aniya ito ay wala na tayong maaabot na proteksyon.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Tiniyak pa rin ni Domingo na epektibo pa rin ang proteksyon ng dating bakuna lalo na sa mga severe cases o malalang kaso.

Beth Camia