MAYEN, Germany— Hindi bababa sa 68 katao ang napaulat na namatay sa pananalasa ng matinding pag-ulan at pagbaha sa bahagi ng western Europe sa in Germany at Belgium, habang marami pa ang nawawala sa gitna ng patuloy ng pagtaas ng tubig na nagdudulot ng pagkasirang ilang mga tahanan.
Nararanasan ng Germany ngayon ang itinuturing na pinakamalalang weather disaster mula noong orld War II, habang nagkukumahog ang mga residente na makaakyat sa bubungan ng kanilang mga bahay upang mailigtas ng mga rescue helicopters.
Pinalubog din ng ‘di pangkaraniwang pagbuhos ng ulan ang katabi nitong Luxembourg, the Netherlands at Belgium.
Sa kanyang pagbisita sa Washington, sinabi ni German Chancellor Angela Merkel na “her heart goes out” para sa mga biktima ng pagbaha.
“I fear that we will only see the full extent of the disaster in the coming days,” aniya, na sinundan ng pahayag na ginagawa ng pamahalaan ang “utmost to help (people) in their distress”.
Maging si US President Joe Biden, na nakapulong ni Merkel sa joint news conference, ay nagpahayag ng “sincere condolences and the condolences of the American people for the devastating loss of life and destruction.”
Nasa 15,000 miyembro ng German emergency services, police at army ang rumesponde na sa mga pinaka-sinalantang mga lugar.
Agence-France-Presse