Nanindigan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang desisyon na huwag pa rin ipatupad ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o mas kilala sa tawag na number coding scheme dahil nananatiling maayos ang trapiko sa kabila na dumarami na ang bilang ng sasakyan sa EDSA.

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na wala pa silang nakikitang pangangailangan na ipatupad ang number coding policy, dahil maraming bagay na dapat ikonsidera bago isapubliko ang mga pagbabago sa EDSA traffic.

Binigyang-diin nito na ang hindi pa normal ang operasyon ng public transportation dahil nasa limitadong 50 porsiyentong kapasidad lamang at hindi pa kailangan ang mas maramingpublic utility vehicles (PUVs) sa kalsada kung saan may mga pagkakataon na hindi sapat ang PUVs na serbisyuhan ang commuters o pasahero na nagresulta ng mahabang pila sa mga terminal o loading bays.

“If we implement the number coding scheme now, can our public transport accommodate passengers given the minimum health protocols such as social distancing needed to be implemented?," pagtatanong ni Abalos.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Aniya may posibilidad na sa oras na ipatupad muli ang number coding ay magreresulta ito sa pagpili ng mga tao sa carpooling na magdudulot ng kompromiso sa kanilang kalusugan.

Bella Gamotea