Pinakikilos ng mga kongresistang miyembro ng Makabayan bloc ang gobyerno hinggil sa umano'y pagtatapon ng human waste o dumi ng tao sa West Philippine Sea (WPS).
Ipinaliwanag ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat, dapat nang imbestigahan ng pamahalaan ang usapin at kung hindi mapigilan ang nasabing maling gawain ng China ay tuluyan nang masisira ang marine ecosystem sa nasabing karagatan
“This dumping of human waste by big ships from China in our sea is very glaring. This will cause big damage to our sea resources. Many fishermen are already suffering from the aggression of China in the West Philippine Sea. Now, China is turning us into a toilet,” pahayag ni Cullamat.
“The DENR [Department of Environment and Natural Resources] should immediately investigate and resolve the destruction being inflicted by big ships from China,” dagdag pa ng babaing mambabatas.
Kaugnay nito, nangako naman ang Department of National Defense (DND) na iniimbestigahan na nila ang insidente.
"We have taken note of the news circulating online about the alleged dumping of waste in the South China Sea.Be that as it may, I have directed the Western Command who has jurisdiction over the WPS to verify and investigate," ayon pa kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Nauna nang inihayag ng US-based geospatial imagery company na Simularityna nakita nila sa satellite images ang naturang insidente.
Bert de Guzman