Matapos ang higit isang taong pagkaantala dahil sa pandemya, apat na kababaihan ang kinoronahan sa ginanap kamakailan na Bb. Pilipinas 2021 competition sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City nitong Linggo ng gabi.

Kinoronahan ang Filipino-Australian model na si Hannah Arnold, mula Masbate bilang Bb. Pilipinas International 2021. Ito ang ikalawang pagkakataon na sumabak ang kandidita sa kompetisyon, na unang lumaban noong 2019 kung saan siya natapos sa top 15 semis.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang 24-anyos na beauty queen ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa idaraos na Miss International 2021 beauty pageant sa Japan sa darating na Nobyembre.

Sa question-and-answer portion, tinanong si Hannah ng: “Given the reach and power of social media, do you believe that genuine freedom of speech exists in the Philippines nowadays? Why or why not?”

Sagot ng kandidata: “First of all, freedom of speech is a basic human right that we all must remember. It is important for a democracy. With our upcoming election, we definitely need freedom of speech. For example, on Twitter, we are limited to a few characters, and what I have seen in this, Tweets is powerful. That has helped me think about whom I’d like to vote for in the upcoming elections.”

Graduate ng Applied Science in Forensic Studies sa University of Canberra, edukasyon sa mga bata ang isinusulong ni Hannah. Mahilig siya sa crime podcasts at pagso-solve ng mga crime mysteries.

Ang 5’10 beauty queen din ang nagwagi ng Jag Denim Queen special award sa finals.

Sakaling manalo sa Miss International, mapapabilang si Hannah sa listahan ng mga matagumpay na Pinay na nag-uwi ng prestihiyosong korona— Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), Bea Santiago (2013) at Kylie Versoza (2016).

Samantala, sasabak din sa international pageantsang ibang pang winners kabilang sina: Samantha Panlilio, Bb. Pilipinas Grand International; Cinderella Faye Obeñita, Bb. Pilipinas Intercontinental; at Bb. Pilipinas Globe, Maureen Montagne.

Nakuha naman ni Gabrielle Basiano ang first runner-up; habang second runner-up si Meiji Cruz.

Wagi ng specials awards ang mga kandidata na sina: Montagne, Miss Creme Silk at Miss Ever Bilena; Cruz, Best In Swimsuit; Basiano, Best in Long Gown; Francesca Taruc, Bb. Araneta City, at Miss Alagang Silka;  Patrizia Garcia, Face of Bb. Pilipinas (Miss Photogenic); Alexandra Faith Garcia, Miss World Balance; Karen Laurrie Mendoza, Miss Pizza Hut; Vianca Marcelo, Miss Talent; Lesley Anne Ticaro, Miss Friendship; at Maria Ruth Quin, Best in National Costume.

Pumasok rin sa Top 13 sina: Patrizia Garcia, Karen Laurrie Mendoza, Graciella Lehmann, Jashmin Lyn Dimaculangan, Patricia Batista, Honey Grace Cartasano, at Dimaculangan.

Samantala, nagsilbing hurado naman ngayong taon ng pageant sina Secretary Benito Benton Jr., dating Miss International Kylie Verzosa, actress Liza Soberano; broadcaster Pinky Webb, at fashion designer Rajo Laurel.

Sa telecast, nagsilbing host ng kumpetisyon sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Grand International first runner-up 2016 Nicole Cordoves. Ito ang unang pagkakataon na dalawang beauty queens ang nag-host ng patimpalak sa loob ng 57 taon.

Samantala, trending sa social media kagabi si Catriona matapos nitong ma-mispronounced Valenzuela sa Venezuela, ang siyudad ni Cruz.