Nitong Mayo ay ikinasal ang resident singer ng Music Hall na si Katrina Velarde sa musician na si Mike Shapiro, ang naging front act sa American tour ni Gary Valenciano, limang taon na ang lumipas.

Lalong naging inspirado sa pag-awit si Kat dahil kay Mike at ngayong kasal na sila handa na ang dalawa na bumuo ng pamilya. Proud na proud siya sa pagiging Mrs. Saphiro.

Samantala bagong tunog ang maririnig sa tinaguriang “Suklay Diva” sa kanyang awiting "Sa Panaginip." Catchy ang melody at madalinng kantahin. At dahil nauuso ngayon ang Tiktok pwede ring isayaw at gawin challenge ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang “Sa Panaginip” ay binuo nina Thyro Alfaro, Ivan Lee Espinosa, Marvin Querido atng kanyang husband na si Mike.

Samantala, isa pang awitin ni Kat na pwede-pwedeng wedding song ang iri-release ng Viva records, ito ang “Sa Dulo Ay Ikaw.”

Bukod din sa bagong mga kanta, pinaplano na rin ni Kat ang kanyang unang digital concert para sa buwan ng Agosto.

Sa ngayon dasal ni Kat ay bumalik na sa normal ang lahat at makapag-perform ulit siya kasama ang live audience sa Music Hall na matagal ng naka-lockdown.