ISABELA - Anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan sa tulong ng militar at pulisya  sa San Mariano ng nasabing lalawigan, kamakailan.

Hindi na isinapubliko ng 95th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) ang pagkakakilanlan ng anim na rebelde na pawang kaanib ng Regional Sentro De Gravidad (RSDG), Komiteng Rehiyon - Cagayan Valley (KR-CV), para na rin sa kanilang seguridad.

Isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang M653 rifle; isang M14 rifle; dalawang M16 Armalite rifle; isang Caliber 38 revolver, 12 piraso ng Improvised Explosive Devices (IEDs); limang magazines ng M14 rifle, at mga bala.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito