Tatlong African ang dinakip ng pulisya kaugnay ng umano'y pagbebenta ng iligal na droga sa Homesite, Barangay Duquit sa Mabalacat City, Pampanga, nitong Miyerkules.
Sa ulat ng pulisya, nagtungo ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (DILG) at Mabalacat Police sa nasabing lugar upang maghalughog sa bahay ni Enzo Omgba, isang African, sa bisa search warrant na ipinalabas ng hukuman sa kasong paglabagsaRepublic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Gayunman, nakatakas umano si Omgba kaya ang tatlong kasamahan nito na kasabwat sa pagbebenta ng illegal drugs na nadatnan sa lugar ang inaresto ng mga pulis.
Ang mga ito ay kinilala na sinaProsper Henr Junior Essomba Mbarga,Flavien Jerome Noah Omgba, andYves Emmanuel Bisias Wanko.
Nasamsam sa mga ito ang isang Cal .45-caliber Colt MK IV pistol, isang Cal. .380 pistol, mga magazine at bala at shabu na nagkakahalaga ng P250,000.00. Inihahanda na ang kaso laban sa mga ito.
Freddie Velez