QUEZON- Apat na regular na miyembro ng New People's Army (NPA) at tatlong Militia ng Bayan ang sumuko, bitbit ang mataas na kalibreng baril at mga bala sa mga sundalo at pulis sa Catanauan, Quezon.
Ayon kay Army Lt. Col. Emmanuel Cabahug, pinuno ng 85th Infantry Battalion kinilala ang apat na NPA sa kanilang mga alyas na Rommel, Onil, Roy at Ayri, mga miyembro ng Platun Reymark sa ilalim ng Sub-Regional Military Area 4B, samantalang ang tatlong milisya ay alyas Geo, alyas Jr at alyas Warly mga taga-barangay San Vicente Kanluran at San Pablo Suha sa Catanauan.
Isinuko ng mga rebelde ang isang AK 47 rifle, magazine at mga bala.
"This milestone is a testament to the success of the peace negotiations being done across our area of responsibility, let these surrenders be catalysts to more yielding of NPA rebels because we hope to end the insurgency through peaceful means." ayon kay Cabahug.
Ang mga sumuko ay isasailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integrated Program ng pamahalaan.
Danny Estacio