Sinabi ng Malacañang, ang pagsusuot ng face shields ay hindi na kinakailangan sa labas, ayon din ito sa apela ng pandemic task force na kailangan ang face shields kapag nasa loob ng mga establisyimento.
Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang naghihintay ang publiko sa desisyon ni Pangulong Duterte sa apela ng IATF para sa Management of Emerging Infectious Diseases sa desisyon nitong i-require lang ang mga face shields sa loob ng mga ospital sa kabila ng pagpapatuloy ng COVID-19 pandemic.
Sa press briefing ni Roque nitong Lunes, Hunyo 21, aniya ang polisiya ng gobyerno tungkol sa face shields ay tatalakayin sa weekly public address ni Pangulong Duterte.
Subalit nilinaw niya na hindi na kailangan ng face shields kapag nasa labas.
“Ang malinaw po ganito: Hindi na kailangan ng face shield sa labas kasi hindi naman po ‘yan inapila ng IATF.” ayon kay Roque
“Ang inapila lang ng IATF yung pagsusuot ng face shield sa loob, kasama na sa mga malls, commercial establishments, at pampublikong transportasyon.” dagdag niya
Sinabi ni Roque na ang mga nasa labas ng kanilang tahanan ay hindi dapat mahuli kung hindi sila nakasuot ng face shield.
“Hindi po ‘yan kasama sa inapila ng IATF.” aniya.
Matatandaan, Huwebes noong nakaraang linggo, kinumpirma ng Malacañang na gusto ni Pangulong Duterte na gamitin lamang ang mga face shields sa loob ng mga ospital. Subalit, tutol ang IATF sa patakaran na tanggalin ang face shields lalo na kapag nasa loob.
“The [IATF] resolved to recommend to President Duterte the mandatory wearing of face shields in enclosed/indoor spaces of hospitals, schools, workplaces, commercial establishments (such as but not limited to food establishments, malls, and public markets), public transport and terminals, and places of worship,” ayon kay Roque
“While waiting for the President’s decision on the matter, the existing policy on the use of face shields remains in effect,” aniya.
Argyll Cyrus Geducos