Pormal ng magbubukas ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 96 sa pamamagitan nang inihandang opening ceremony ngayong darating na Linggo, Hunyo 13 sa UHF channel na GTV.

Magsisilbing mga hosts ng nasabing star-studded event ay ang mga celebrities na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia kasama sina Sophia Senoron and Martin Javier, ang mga hosts ng league primer na "Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96".

Kinunan at ini-rekord sa state-of-the-art Studio 7 ng GMA headquarters, ang opening rites ay tatampukan ng mga Kapuso stars na magiging mga flagbearers at muses para sa 10 NCAA member schools.

Ang mga nasabing flag bearers at muses ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Arellano University - Troy Noriega at Angela Alarcon

College of St. Benilde - Kimson Tan at Pam Prinster

Emilio Aguinaldo College - Carlo Tingtungco at Ysabel Ortega

Jose Rizal University - Kim de Leon at Lexi Gonzales

Lyceum of the Philippines University - Brent Valdez at Kyline Alcantara

Mapua University - Gab Yabut at Ayra Mariano

San Beda University - Manolo Pedrosa at Crystal Paras

San Sebastian College - Jamir Zabarte at Zonia Mejia

University of Perpetual Help System Dalta - Shaira Diaz at Jeremy Sabido

Colegio de San Juan de Letran - Mikee Quintos at Radson Flores.

Naroon din at nagbigay ng kanilang mensahe sina NCAA Season 96 president na si Rev. Fr. Clarence Marquez OP ng host Letran at Management Committee chairman at Letran Athletics director Fr. Victor Calvo.

Magkakaroon din ng virtual presentation at participation ang mga atleta ng lahat ng sampung member schools.

Marivic Awitan