Magandang balita dahil magkakaloob ng libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa kanilang commuters para sa Independence Day o Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang free ride ay maaaring i-avail ng mga commuter mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

“Sa darating na ika-12 ng Hunyo 2021, magbibigay ng libreng sakay ang DOTr-MRT-3 bilang pakikiisa ng ahensya sa paggunita ng ika-123 anibersaryo ng proklamasyon ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas,” anunsiyo pa nito.

Ang tema ng Araw ng Kalayaan ngayong taon ay "Kalayaan 2021: Diwa sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mary Ann Santiago