TACLOBAN CITY – Isang mangingsida ang naiulat na nagpakamatay matapos matuklasang nagpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Lawaan, Eastern Samar, nitong Miyerkules.

Hindi na isinapubliko ng pulisya ang pagkakakilanlan nito na isang 33 taong gulang at taga-Brgy. Maslog.

Ayon sa pulisya, bago matuklasan ang insidente, isinailalim muna ito sa anim na araw na quarantine matapos na ma-expose sa isang pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Nitong Hunyo 8, sumailalim ito sa pagsusuri kung saan natuklasang positibo siya sa virus.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Naniniwala naman ang pulisya na kaya nito winakasan ang kanyang buhay dahil sa pagkapositibo nito sa sakit.

Marie Tonette Marticio