Pinapaalalahanan ng Department of Health (DOH) regional office ang mga residente ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na maging maingat at mag-praktis ng personal hygiene matapos na makapagtala pa ng 68 kaso ng typhoid fever sa rehiyon.

Sa ulat ng DOH-Calabarzon, ang Laguna ang nakapagtala ng pinakamataas na incidence ng typhoid fever na may 30 kaso, kasunod ang Cavite na may 26 kaso, Rizal na may anim na kaso at Batangas na may isang kaso.

Bagamat mayroon umanong pagbaba ng mga kaso ng sakit, kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon, kung kailan nakapagtala ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng 191 kaso, ay kailangan pa ring maging maingat ng mga mamamayan laban sa naturang nakamamatay na karamdaman.

Binanggit ni DOH-Calabarzon Regional Medical Technologist, Kimberly Cu, ang typhoid fever ay karaniwang nakukuha sa mga lugar na mayroong poor hygiene at sanitation at kulang din sa safe drinking water source.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

“If you are unsure of the quality of the water, especially those taken from deep wells which are untreated, it is best to boil it for at least 2 minutes to kill bacteria. Also avoid eating unsanitary street-vended food as they are commonly exposed to insects and various environmental elements. When eating raw fruit and vegetables wash them thoroughly with clean water,”

“Essentially, wash hands properly with soap and water before and after eating and also after using the toilet as it is the best way to control infection,” pahayag pa ni Cu.

Ang typhoid ay isang infectious disease na dulot ng bacteria na Salmonella typhi at naihahawa sa pamamagitan ng fecal oral route o sa pagkonsumo ng pagkain at tubig na kontaminado ng bacteria.

Ang taong may typhoid fever ay dumaranas ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, panghihina, kawalan ng ganang kumain, nagtatae o di kaya ay dumaranas ng konstipasyon.

Pinayuhan naman ni Cu ang mga residente na kung ang kanilang kaanak ay nakikitaan na ng ganitong sintomas ng sakit ay kailangan na itong dalhin kaagad sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng lunas.

“The only effective treatment for the illness is antibiotics such as ciprofloxacin (for non-pregnant adults) and ceftriaxone for pregnant patients. Give them plenty of water to rehydrate,” aniya pa. Mary Ann Santiago