Marami na rin ang naging kaparehang artistang babae ang nagbabalik-showbiz na si John Lloyd Cruz. Pero heto’t sa kanyang comeback sa industriya umuugong ang pakikipagtambalan daw niya sa dating dyowa ni Derek Ramsay na si Andrea Torres. Ang chika isang sitcom daw ang nilulutong project para sa kanila ni JLC. How true is this?

Andrea

Aware naman daw dito ang Kapuso Actress sa kumakalat na balitang pagpapares nila ni John Lloyd sa isang project. Pero wala pa rin daw itong kumpirmasyon kung matutuloy ang tambalang tiyak na pag-uusapan at pagpipiyestahan ng mga tao.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa Chika Minute ng “24 Oras” sinagot ni Andrea ang tungkol dito. Aniya, “Nagulat po at siyempre natuwa kasi he’s a brilliant actor at fan din ako niya. Sa mga interviews ko yun lagi kong binabanggit na isa siya sa mga gusto kong makatrabaho. So if ever po ano yun malaking honor po iyon for me.”

Kung sakaling matutuloy ang project na ito nila John Lloyd Cruz at Andrea Torres malamang tutok ang mga tao at susundan ang tambalang ito. Bakit kamo sila lang naman ang dating mga naging dyowa nila Derek Ramsay at Ellen Adarna. Pabor din ito kay Andrea lalot nagpapakabusy siya sa trabaho para lalong makalimutan ang nawindang na relasyon kay Derek Ramsay. Ano naman kaya ang magiging reaksyon nila Derek at Ellen sa napapabalitang pagpapares ng kanilang mga dating naging karelasyon? Abangan na lang kung may magaganap ngang tambalan sa kapwa magagaling na artista. Yun na!