POLILLO, Quezon - Hindi na kinaya ng isang miyembro ng New People's Army ang pamumuhay sa kabundukan kaya ito nagbalik-loob sa pamahalaan nitong Martes ng tanghali.
Si Jonel dela Cruz, 30, binata, kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) o NPA at taga-Bgy. Guis-guis, Sariaya, Quezon ay pormal na sumuko sa 1st Infantry Battalion na nasa Bgy. Tonggohin, Infantana pinamumunuan ni Army Capt. Noelio Brigole, Jr. sa tulong na rin ng mga opisyal ng Bgy. Languyin at Polillo Municipal Police.
Isinuko rin ni Dela Cruz ang isang baril na Bushmaster, pitong magazine at 83 bala.
Inilahad aniya ni Dela Cruz na nahihirapan na ito sa tagal ng kanilang pamumuhay sa kabundukan kaya nagpasya na lamang itong magbagong-buhay.
Danny Estacio