Excited ang online users sa pagbubukas ng sariling Youtube channel ng Duke and Duchess of Cambridge, na sina Prince William at Catherine Middleton.

Kamakailan, ay in-upload ng royal couple ang kanilang unang video.

Agad itong nakapagtala ng higit 3 million views.

At as of writing, ay halos 500,000 subscribers na ang dalawa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tumanggap naman ng mainit na pagbati sa comment section mula sa fans ang kanilang 25 seconds clip.

May ilan ding agad nag-suggest ng iba’t ibang content na maaaring subukan ng Duke and Duchess of Cambridge.

Mula sa “a day in my life” featuring Queen Elizabeth, hanggang sa pagsubok ng royal family ng kanilang sariling version ng “mukbang.”

Ilan naman ang naghikayat na subukan ang “ASMR,” “pranks” at “reviewing” stuff konektado sa royal family.

Taong 2011 nang ikasal ang panganay na anak ng Prince and Princess of Wales Charles at Diana kay Kate.

May tatlong anak ang dalawa: sina Prince George (2013), Princess Charlotte (2015), at Prince Louis (2018).

Stephanie Bernardino