Napa-wow ang online world sa ‘glow up’ look ng social media darling na si Miss Everything.

Ibinahagi ng skin and body center na nasa likod ng kanyang cosmetic enhancements ang bagong look ng online content creator.

Isiniwalat din ng kumpanya ang procedures na pinagdaanan ni Miss Everything mula sa facial harmony by volume correction, barbie forehead, almond eyes, chin and cheek augmentations, perfect jaw angle, lip reduction, at rhinoplasty with sailboat alar plasty.

Ilang buwan na ang nakararaan nang mag-trend online si Ericka Camata matapos purihin ni English singer Anne-Marie sa cover ng kanyang track na 2002 sa kabila ng maling lyrics.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Stephanie Bernardino