ni ADOR V. SALUTA

Sa latest vlog ni Toni Gonzaga, naging panauhin nito ang comedienne-stage actress na si Candy Pangilinan at emosyonal nitong ibinahagi sa actress-host ang kanyang mga naging karanasan pagpapalaki ng kanyang anak na si Quentin na mayroong special needs. Si Quentin ay anak ni Candy sa ex-husband niyang si Gilbert Alvarado.

Ikinuwento ng komedyante kay Toni ang ilang 'di magandang pinagdaanan with Quentin na may autism.

Hanggang ngayon, hindi pa raw niya makakalimutan noong minsang may pinuntahan silang birthday party ng anak. Napansin niya walang lumalapit o nakikipaglaro man lang kay Quentin?

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Masakit daw para sa isang inang tulad niya na may anak na may special needs na iniitsapuwera ng kapuwa-bata sa isang birthday party na kanilang dinaluhan.

Saad ni Candy: “Actually ‘yung rejection, marami kasi eh. Sobra, ang dami. and for a mother, masakit yun.. Kasi sa kanya wala lang eh.

“‘Yung a-attend ka ng party walang nakikipaglaro sa anak mo. So, si Quentin, umabot sa na ‘pag alam niyang a-attend ng party, nagdadala na 'yan ng sariling laruan. Siguro alam niyang walang makikipaglaro sa kanya."

Mismong si Candy nga raw ay nakaranas minsan ng rejection at alam niya ang ganitong pakiramdam at masakit ito para sa kanya. "I had experienced also na ‘yung sa school, hindi ako tinatanggap kasi single mom,” bahagi pa ng kuwento ni Cindy.

Sa pagpapatuloy ng kanyang panayam, sinabi pa ni Candy, na naalala niya nang minsang pagbawalan si Quentin ng kanilang school principal na um-attend ng sariling graduation dahil baka raw gumawa ito ng eksena o magka-tantrums sa mismong graduation ceremony.

Umiiyak pa nga raw at nagmamakaawa siya sa principal na payagan ang anak dahil naroon naman siya para umalalay kay Quentin. Subali't nagmatigas ang principal.

“Naiyak ako sa principal. Nagmakaawa ako, ayaw pumayag. Nung pauwi na kami, ito na si Quentin, nung time na ‘yun hindi pa magaling magsalita. Sabi niya, ‘What’s wrong?’ Sabi ko, ‘Nothing.’ Tapos sabi ko sa kanya, ‘Quentin, do you want to go back there later? Practice tayo ng going up and down the stage for your graduation.’ Hinawakan niya ‘yung kamay ko, sabi niya, ‘No, Ma. I’m good. I’m okay.’ Lalo akong naiyak, kasi parang sinabi sa akin ng anak ko, ‘Hindi na, Ma. Okay lang. Okay na tayo."

Nakaisip naman daw siya ng ibang paraan para maranasan ng anak ang graduation rites.

“Sa awa ko, kinaibigan ko ‘yung barangay captain namin. ‘Di ba gumagawa ako ng events? So meron akong red carpet. Gumawa ako ng sariling graduation sa plaza. Kami-kami lang. Nag-invite ako ng mga taga-church, taga-palakpak. ('Yun) Grumaduate siya sa plaza namin," ani Candy.

Hindi naman daw nagkaroon ng tantrums si Quentin during the ceremony.

“Ang tingin ko, all parents, all mothers, who go through that, siguro gagawa rin sila ng paraan to rise above it. Because I think all mothers [want the best for their kids]," aniya pa.

Sa parehong panayam, nasabi pa ni Candy na isang 'miracle' para sa kanya si Quentin.

"He's my ticket to heaven. Kasi grabe 'yung tinuro niya sa 'kin. 'Yung pasensya, 'yung tolerance, tsaka 'yung to live simply. 'Yung ang simple ng buhay. Sobra siyang grateful and appreciative of simple things. Dati kasi, ako kailangan mo akong i-impress. Ngayon hindi na. Simple lang, nakakatuwa," pag-amin pa ng aktres.