ni GLAZYL MASCULINO

BACOLOD CITY – Binaril at napatay ang isang binatilyo nang pasukin ng dalawang lalaki habang natutulog sa Bgy.Mailum, Bago City, Negros Occidental, nitong Biyernes.

Dead on the spot ang biktima na si Cyrus Mariano dahil sa tama ng bala sa ulo at dibdib.

Paliwanag ni City Police chief, Lt. Col. John Joel Batusbatusan, natutulog biktima nang biglang pasukin ng dalawang lalaki at pinagbabaril ito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kaagad na tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso.