ni NEIL RAMOS

Hindi napigil ng pandemya si Dimples Romana para ma-achieved ang kanyang goals.

Kamakailan lamang, nagbukas ang aktres ng kanyang first ever restaurant abroad, ang Alegria.

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ng aktres ang developments sa kanyang negosyo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Matatagpuan ang Alegria sa Teck Lim Road sa Singapore.

Ayon kay Dimples, kapwa very supportive ang mga Singaporeans at Pinoys sa venture na ito.

Post ng aktres, “The past week has been a blast as our Team Alegria in Singapore has been experienced and enjoyed by locals and our fellow Filipinos – the food, the ambiance, the drinks…

“A BIG THANK you to everyone who keeps sending us and tagging us their photos, videos of their food and dining experience. You guys are the best!!!” dagdag pa niya.

Matatandaang, pinagpaplanuhan na rin ni Dimples ang pagtatayo ng kanyang sariling school.