TALAVERA, Nueva Ecija - Tumimbuwang ang isang pinaghihinalaang drug pusher matapos umanong lumaban sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Bgy.Pag-asa ng naturang bayan, kamakailan.
Dead on the spot ang suspek na kinilala ni Talavera Police chief,Lt. Col. Heryl Bruno, na siLawrence Valencia, 35, tubongPilar, Bataan.
Sa ulat ni Cpl. Edd Jonh Miranda, may hawak ng kaso, dakong alas-7:15 ng gabi nang maganap ang engkuentro nang mahalata ng suspek na pulis ang binebentahan nito ng shabu.
Nakarekober ang pulisya ng isang cal.Magnum .357 revolver at hindi pa matiyak na halaga ng iligal na droga.
Light Nolasco