ni FER TABOY

Bumalik na sa Camp Crame detention facility si Sen. Leila de Lima matapos ang tatlong araw na medical furlough, na ibinigay sa kaniya ng Muntinlupa City Regional Trial Court.

Matatandaang nanatili si De Lima sa Manila Doctors Hospital mula pa noong Sabado, para sumailalim sa ilang pagsusuri.

Nag-ugat ito sa dinanas na mild stroke ng senadora noong nakaraang linggo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Limitado ang inilalabas na impormasyon ng kampo ng mambabatas ukol sa estado ng kaniyang kalusugan.

Si De Lima ay 1,524 araw nang nakapiit dahil sa drug related case kaugnay sa umano’y pagkalat ng droga sa national penitentiary noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice.