ni RICHA NORIEGA

Dalawa pang tripulnte ng isang cargo vessel na sumadsad sa karagatan ng Surigao del Norte ang natagpuang patay, kamakailan.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard, ang bangkay nina Klint Auxtero at Limuel Dadivas, ay naiahon sa San Francisco ng lalawigan, nitong Biyernes ng umaga.

Dahil dito, anim na ang natagpuang bangkay mula sa 20 tripulante, pito sa mga ito ay nasagip ng mga residente at pitong iba pa ang nawawala.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Matatandaang sumadsad ang barko matapos na maputol ang angkla nito nang hampasin ng malalakas na alon sa kasagsagan ng bagyong ‘Bising’ nitong nakaraang linggo.