ni ROBERT REQUINTINA

Inanunsiyo ng Miss Universe Bangladesh ngayong araw, Abril 20, na hindi na sasabak sa 69th Miss Universe beauty pageant ang kandidata nitong si Tangia Zaman Methila sa US dahil sa mahigpit na travel restrictions ng kanyang bansa.

Si Methila ang kinoronahang Miss Universe Bangladesh 2020. Ngunit, hindi siya makakapunta ng Florida.

“Due to lockdown and travel restrictions we could not finalize the preparations. So we will not be able to participate Miss Universe 2020.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“We already informed Miss Universe USA management accordingly earlier this week,” ayon sa official statement na inilabas ng Miss Universe Bangladesh.

Miss Universe Bangladesh Tangia Zaman Methila

Gayunman ayon sa observers sa Bangladesh, may iba pang rason kung bakit umatras si Methila sa kompetisyon. Ngunit tumanggi silang banggitin ito.

Una nang sumali si Methila sa Miss Supranational 2019 pageant sa Poland.

Ang finals ng 69th Miss Universe competition ay gaganapin sa Mayo 16 (May 17 sa Manila).