ni FER TABOY

Tatlong hinihinalang drug pusher ang napatay at apat ang naaresto sa anti-illegal drug operation ng pulisya sa Cotabato City,kahapon ng umaga.

Ayon sa report ng Cotabato CittyPolice Office (CCPO) naganap ang insidente

sa Barangay Rosary Heights 7, Cotabato City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakilala ang mga napatay na suspek na sina Motalib Sumurang, aka Abdul Ali Duluan,alyas Uting, Benjie Fortich at Saidamen Kasanguan, alyas Dats Duluan habang apat ang nahuli ay hindi kinilala ng pulisya na pawang residente ng Purok Paraiso, Barangay Rosary Heights 7, Cotabato City.

Nakatakas naman ang kanilang lider na nakilalang si Gino Sansaluna.

Ayon kay CCPO director Police Colonel Rommel Javier, nagsagawa ng buy-bust operation ang Police Station 2 na pinangunahan ni Captain Rustum Pastolero, katuwang ang mga tauhan ng CPDEU, RACU-15, RHPU BAR, Task Force Kutawato at PDEA BARMM sa Purok Paraiso, Bgy.RH-7 ng lungsod sa drug den ng mga suspek.

Ngunit natunugan ng grupo ni Sansaluna na mga pulis ang kanilang katransaksyon kaya sila nanlaban.

Napilitan na gumanti ng putok ang mga awtoridad resulta ng pagkasawi ng tatlo, apat ang nahuli at nakatakas si Sansaluna.

Narekober sa mga suspek ang isang .38 revolver, mga bala at ilang pakete ng shabu.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng CCPO ang nakatakas na lider ng grupo.