ni BETH CAMIA

Lahat ng Pinoy ay kailangang magtulungan, at lahat ay welcome na tumulong sa kapwa.

Ito ang reaksyon ng Malacañang kaugnay ng mga naglitawang community pantry.

Kaya naman ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang nangyayaring tulungan ng mamamayan gaya ng Community Pantry sa ilang lugar ay welcome sa Malacañang.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Paglilinaw ni Nograles, hindi lamang naman gobyerno ang dapat na tumugon sa bansa sa pandemya ng COVID-19 bagkus ay malaking bagay ang inisyatibo mula sa mga pribadong indibidwal o pribadong sektor.

Gayunman, sinabi nito na hindi ito nangangahulugan na nagkukulang ng tulong ang gobyerno at idinagdag na hinditumitigil ang pamahalaan sa pagpapatupad o pagkakaloob ng mga tulong sa lahat ng aspeto tulad ng social services, health care, at sa ekonomiya.