ni Bella Gamotea
Sa natanggap na ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) aabot sa 126 na Pilipino sa ibang bansa ang kumpirmadong naitalang bagong nahawa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Biyernes, Abril 16.
Ayon pa sa DFA kasabay ng report ang paggaling sa sakit ng 100 Pinoy at dalawang kababayan ang naitalang namatay sa virus.
Samantala ang 20 bagong kaso rito ay naberipika ng DOH-IHR.
Batay sa datos na inabas ng DFA nitong Abril 16, umabot na sa kabuuang 18,134 Pinoy ang nahawa sa COVID-19 buhat sa 91 na bansa at teritoryo sa daigdig; 5,877 rito ang patuloy pang ginagamot at nagpapagaling; 11,142 ang nakarekober na sa sakit habang 1,115 ang namatay.