ni REMY UMEREZ
Para kay Diego Loyzaga na may matinding pinagdaanan sa personal na buhay at nakabangon, magandang simula ang dalawang proyektong ibinigay ng Viva sa kanya.
Magkasama sila ni Cristine Reyes sa seryeng Encounter at katrabaho ng seksing AJ Raval sa Death of A Girlfriend, sa direksyon ni Yam Laranas.
Mas seryoso ngayon si Diego bilang aktor at thankful sa tiwala ng Viva at higit sa lahat ay sa Diyos. Maging ang lovelife ng aktor ay maayos. Nauunawaan ng kanyang girlfriend na si Barbie Imperial ang kanyang trabaho dahil isa din siyang artista.
Hinggil sa kanyang ama na si Cesar Montano. Nananatiling mataas ang kanyang respeto sa aktor na living legend ng local movie industry.