ni Neil Patrick Nepomuceno

“MISS ko din ito.”

Ito ang caption ni Drew Arellano na kasama ng isang photo niya habang tumatakbo na sinang-ayunan ng higit 10,000 people nang i-post ito ng host sa Instagram nitong Lunes.

Isa sa mga sumang-ayon kay Drew si Kuya Kim Atienza na nagkomento:”hehehe I feel you inaanak.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Drew

Maging sina Troy Montero at Jake Cuenca na mahilig rin sa running ay sang-ayon kay Drew, “Let’s get it!” at “Let’s Go!”magkasunod na komento ng dalawa.

Two days ago ipinost ni Drew ang unang bagay na name-miss na niya, kasama ang kanyang larawan na nagpi-free free diving sa isang open sea.

Matapos magbalik para sa panibagong season ng Biyahe Ni Drew nitong Nobyembre, isa sa pinagkakaabalahan ngayon ng Kapuso host ang pagiging ama sa kanyang mga anak at asawa kanyang host actress wife na si Iya Villania.