ni Remy Umerez

SERYOSONG-SERYOSO si Francine Diaz sa pagiging credible ng mga characters na ginagampanan niya. Marami na siyang nuances na nabago tulad ng parang pakantang delivery ng dialogue noong gawin niya from Be My Lady to Blood Sisters ngayon lumitaw na ang ilang improvements. Naging inspirasyon niya si Tirso Cruz III na nakatrabaho niya sa sobrang effective ng actor bilang kontrabida.

Hinangaan nang husto si Francine sa Kadenang Ginto na itinuturing na break-through role para sa batang aktres. Siya ang sweet at obedient Mondragon heiress.

Ngayon ay umaani siya ng papuri sa bagong seryeng, ang Huwag Kang Mangamba. Para sa maraming tagasubaybay ng serye, mesmerizing ang ganda at acting ability ni Francine na kabilang sa sumisikat na “Gold Squad.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maliwanag na todo ang pagbuild-up kay Francine ng Kapamilya para sa lalong ikaaangat ng showbiz career nito.