ni LEANDRO ALBOROTE

BINAUGANAN, Tarlac City-  Lima katao ang duguang isinugod kahapon sa Tarlac Provincial Hospital sa rambolang naganap sa Getha Road, Barangay Binauganan, Tarlac City.

Sa imbestigasyon ni Police Senior Master Sergeant Alexander G. Siron, ang mga isinugod sa ospital ay sina Jay Macasaquit, 45, may-asawa, driver ng Honda Motorized Tricycle na may plate number LV- 7832 ng Sitio Mangga 1, Barangay Matatalaib, Tarlac City; Rafael Orquero, 26, single, driver ng Mitsubishi FB Van na may plate number SJL- 544 na nakarehistro sa City Government of Tarlac  at residente ng Barangay Dalayap, Tarlac City.

Ang iba pang nasugatan ay sina Ricardo Tañedo, 36, single, ng Barangay Sto. Cristo;  Remil Ayuyaao, 44, may-asawa, ng Barangay Sapang Maragul; at Geniel Anthony Reyes, Sr., may-asawa, ng Barangay Culipat, Tarlac City.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Sangkot din sa rambola ang Isuzu Elf Truck Dropside na may plate number CAD- 9849 na nakarehistro sa San Malo Builders Group Inc, Buho, Silang, Cavite na minamaneho ni Crizer Lingat, 40, may-asawa, ng San Nicolas Balas, Concepcion, Tarlac; Toyota Hilux Vehicle na nakarehistro sa Provincial Capitol ng Tarlac na minamaneho ni Nelson Allan Garcia, 44, may-asawa, ng Barangay Matayumtayum, La Paz, Tarlac at Honda  Jazz Vehicle na may plate number RKP- 696 na minamaneho ni Dennis Molina, 32, may-asawa, ng 8th Road, Sta Monica Heights Subdivision, Barangay San Rafael, Tarlac City.Patungo noon sa kanluran ang Honda Jazz Vehicle; Isuzo Elf Truck Dropside at Toyota Hilux hanggang magrambola ang mga nasabing behikulo.