ni Leandro Alborote

Kaupo-upo pa lang bilang hepe ng Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU) ay kinakitaan na kaagad ng accomplishment report sa droga na naganap sa Barangay Sapang Tagalog, Tarlac City kamakalawa ng hapon.

Ang operasyon ay pinangunahan ni Police Major Rocky De Guzman na kung saan ang suspek na nadakma sa buy-bust operation ay si Eduard Joseph Castro, 24, single, ng Ipil Street ng nasabing barangay.

Nakuha sa posisyon nito ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu kapalit ng P1,000 marked money.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Nang isailalim sa masusing imbestigasyon si Castro ay muling nakarekober ang pulisya ng tatlo pang piraso ng transparent plastic sachets ng shabu na may street value na P3,000.

Narekober din ang service motorcycle service nito sa pagdeliver ng droga ay at isang cellphone na gamit sa illegal transactions.

Ang mga edidensiyang nakuha sa suspek ay dinala sa PPDEU Office, Camp Macabulos, Tarlac City para sa kaukulang pagsusuri at disposisyon.