Ni Nitz Miralles

Kung wala kayong nababasa na update nina Aiko Melendez at Miguel Tanfelix sa kanilang social media platforms, ito ay dahil sinadya ng dalawa sa cast ng I Can See You: #Future na bawasan muna ang social media interactions nila this Holy Week.

Teleserye

Karina Bautista, kinatatakutan na dahil sa 'Maguad siblings'

Biyernes Santo na rin naman ngayon, at sa Linggo ay Easter Sunday na, magagawa na nila uling maging active sa socmed.

Sabi ni Aiko, ngayon ang magandang panahon para pagtuunan ng pansin ang kanyang sarili at makapagnilay. “Para ma-realize korin ‘yong mga shortcomings ko sa mga tao around me at sa sarili ko mismo.”

Ganu’n din ang plano ni Miguel, ang bawasan ang social media. “This is the best time to build your relationship with God, to talk to yourself, reflect. Iti-take ko ‘tong opportunity na ito to be productive.”

May dahilan si Miguel kung bakit gusto niyang ma-build uli ang relationship niya with the Lord dahil nakaranas siya ng depression last year sa first year ng Covid-19 pandemic. Ayaw niyang maulit ‘yun ngayong nasa lockdown na naman ang bansa.

Gaganap na mag-ina sina Aiko at Miguel sa #Futurena magsisimula ang airing sa Lunes (Abril 5), pagkatapos ngFirst Yaya.Kasama rin sa cast sinaGabby Eigenmann,Dani Porter, atKyline Alcantara. SiDominic Zapataang director ng kakaibang episode ng mini-series ng GMA-7