ni Liezle Basa Inigo
Dahil sa dumaraming bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Ilagan City, Isabela, iniutos ni Mayor Josemarie Diaz na isailalim sa localize lockdown ang 27 barangay mula 12:00 ng tanghali ng Abril 1 hanggang 8:00 ng gabi ng Abril 10, 2021.
Ang Lungsod ng Ilagan ay mayroong 26 aktibong kaso na may CV code, at 119 aktibong kaso na walang CV code, at naapektuhan ang kabuuang 27 na mga barangay.
Ang City Inter Agency Task Force ay magpapatupad kaagad ngistriktong
perimeter control sa mga natukoy na lugar atmagpataw ng screening procedures sa lahat ng points of entry para sa lahat ng indibidwal.