ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac— Dalawang drug pusher na magkakutsaba umano sa pagbebenta ng droga sa Tarlac City ang nalambat ng mga tauhan ng Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU) sa Sitio San Berga, Barangay Sapang Maragul, Tarlac City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Police Master Sergeant Benjamin D. Carreon, Jr., ang mga naaresto sa buy-bust operation ay sina Gilbert Tabangin, 38, may-asawa, ng Sitio San Berga, Barangay Sapang Maragul, Tarlac City; at Abegail Inocencio, 39, may-asawa, ng Barangay Magsikap, General Nakar, Quezon.

Nagpanggap na buyer ang isa sa mga pulis na nagbigay-daan upang maaresto ang dalawa at marekober ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu kapalit ng P1,000 marked money.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Nang isailalim sa imbestigasyon ang dalawang suspek ay muling nakarekober sa mga ito ang pito pang transparent plastic sachets na naglalaman ng hindi matiyak na gramo ng shabu.

Lahat ng mga narekober na ebidensiya sa dalawang suspek ay dinala sa PPDEU Office ng Camp Macabulos, Tarlac City para sa kaukulang pagsusuri at disposisyon.